Marami nang mga pagsubok ang dumating sa buhay ko. Marahil masasabi mo na ang lahat ng ito ay dahil lamang sa iisang bagay. At ito nga ay ang pag-ibig. Siguro magsasawa ka na kung ikukuwento ko pa. Alam ko naman na sa sobrang kadaldalan ng bibig ko, nasagap mo na lahat ng pinagdaanan ko. Alam ko naman na wala kang pakialam sa buhay ko. Kaya hindi ko na nararapat na isalaysay pa sa iyo ang buhay ko. Ang kototohanan wla nman tlagang kwenta itong post na ito, kaya nman kung ako sau hindi na ko na ito babasahin. Pero sige kung ninanais mo tlagang basahin ito, hindi na kita papakialaman. Kaya ko nga isinulat ito eh, para mabasa ng ibang tao. Pero anu nga ba tlaga ang ilalagay ko dito? Hmmm... miski ako ndi ko alam eh. Marahil ay masyado lamang marami ang iniisip at dinaramdam ko ngaun, kaya nman naisipan kong magsulat[magtype]. Wlang laman itong post na ito kaya kung ako tlaga sau, ndi ko na cya babasahin....
Sagana sa problema ang isang taong tulad ko. Marahil ito'y dahilan ng sobrang pagdidimdim ko sa lahat ng nangyayari sa akin. Ewan ko ba. Hanggang ngaun nababagabag ako sa lahat ng sakit at sugat na natamo ko sa tinatahak kong buhay na ito. Kahit anung gawin ko, hindi ko talaga maturuan na magbago ang puso kong punong puno na ng paghihinagpis at kalungkutan. Hindi lang namn ako ang may ganitong problema. Alam ko na marami sa mundong ito ang nakararanas ng damdaming tulad nito. Bata pa ako, alam ko yan. Kaya nga marahil ay nao-oayan na kau sa akin. Wala pa sa tmang oras upang magdimdim at magseryoso sa mga bagay-bagay na maihahalintulad natin sa pag-ibig. Ang alam ko nga dapat ay nakatutok ako ngaun sa aking pag-aaral. Pero anu pa nga ba ang magagawa ko. E kung sa tumibok ng maaga to eh. Masaya nman ako sa kung anung meron ako. Hindi ko man nababanggit, malaki ang pasasalamt ko sa Diyos sa uri ng buhay na ibinigay nya sa akin. Mahal ko ang mahal ko at mahal din nman ako ng mahal ko, kuntento na ako doon. Hindi nman cguro magulo lahat ng pinagsasasabi ko dito. Natural kaakibat nitong pag-ibig na ito ay ang sakit na nararamdaman ko(parang inulit ko lang ah). Matagal ko ng ninanais na mawala lahat ng pagdududa at pagaalinlangan sa puso ko. Alam nman ng isip ko kung ano ang katotohanan. Nasaksihan nman ng mga mata ko at narinig ng mga tenga ko, ang lahat ng nangyari at ang lahat ng mga salitang binitiwan ng bawat isa sa amin. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi ako nawawalan ng dahilan para maging masaya. Maraming bagay sa mundo ang maaaring makapagpangiti sa mumunti kong mga labi, kaya nga hindi ako nauubusan ng halakhak. Alam ko na sa kabila ng mga luhang pumapatak sa aking mga mata ay may kaakibat na kasiyahan na makapagpangingiti muli sa mata kong namamaga.
Masayado ng mahaba ang aking pinagsususulat dito. Siguro tinatamad na rin ikaw basahin ang post na ito. Kaya nman dito na nagtatapos ang walang kwentang isinulat ko. Pero bago ang lahat, nais ko lamang magpasalamat sa paglalaan mo ng oras sa aking blog. Mag-iwan ka ng tag ah. Nagmamakaawa na ako [jowk lng.. hindi nman ako ganun kadesperada xp]. Sige hanggang dito na lamang ang lahat.... paalam na sa iyo